Knicks winasiwas ng Bulls

SA KALAGITNAAN ng fourth quarter ay pumasok na sa locker room si Carmelo Anthony dahil natamo nito ang ikalawang technical foul.

Gaya ng sinapit ni Anthony ay lumabas din ng playing court sina Coach Mike Woodson at Tyson Chandler upang lasapin ang 106-110 pagkabigo laban sa Chicago Bulls kanina.

”I was actually in here, and then I just heard the crowd screaming and yelling, and I walked to the hallway, and Woody was walking back. Then I was actually in the shower, came back and Tyson was sitting right next to me,” kuwento ni Anthony . ”So once I saw that, that’s how the night was going.”

Umangal si Knick star player Anthony nang pituhan siya ng foul sa offensive rebound ni Joakim Noah dahilan upang malasap ang ikalawang technical foul may 6:45 minuto na lang sa orasan.

Sinamantala ng Bulls ang pagkawala nina Anthony, Chandler at Woodson para suwagin ang 15-10 record at manatiling sa tuktok ng Central division ng nagaganap na regular season ng 2012-13 National Basketball Association.

Nanuwag ng season high 29 points si Bull forward Luol Deng habang ang kakamping si Marco Belinelli ay nag-ambag ng 22 markers at pitong rebounds.

Si Anthony ang nanguna sa opensa para sa Knicks matapos bumira ng 29 points.

Mula sa first period ay naghahabol na ang Knicks sa Bulls kaya marahil isa ito sa dahilan kung bakit masyadong maiinit ang ulo ng mga player ng New York.

“Things were definitely escalating, but I don’t think they’re used to being down that much, too,” pahayag ni Noah. ”If they were up 20 points, I don’t think they would have been that frustrated.”

Sa ibang NBA resulta, tinarak ng Los Angeles Clippers ang pang-12 sunod na panalo matapos kaldagin ang Sacramento Kings, 97-85.

Tangan ng Clippers ang 20-6 karta.

Nanalo rin ang Golden State Warriors, laban sa Charlotte Bobcats, 115-100.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply