Kontrol sa alak at droga, sanhi ng pagsabog sa NBP

NBP

SINAMPAHAN na ng kasong tangkang pagpatay ang limang bilanggo sa New Bilibid Prison kaugnay sa pagsabog ng granada na naganap isang buwan na ang nakakaraan sa loob ng pambansang piitan sa Muntinlupa City.

Pawang mga lider ng mga gang ang nagplano umano ng pagpapasabog ng granada upang mapasakamay ang pamamalakad ng mga kontrabando sa loob ng bilangguan ang lumabas sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation.

Kinasuhan sa Muntinlupa Prosecutors Office sina Henry Villa alias Bulusok, Pablo Anora, OIC ng Batang City Jail gang, Joseph Mostrales, miyembro ng BCJ,  Jerry Pepino, commander ng Batang Mananalo (batman gang) at Ronaldo Torres, lider ng Batang Samar Leyte gang (BSL).

Ayon sa NBI, target ng mga suspek na patumbahin si Froilan Trestiza,commander ng BCJ ,na siya umanong humahawak ng mga iligal na gawain sa maximum security compound. Nais ng mga suspek na kontrolin ang kalakal ng droga at alak ,at maging ng pangingidnap sa mga bisita ng bilanggo ,na pinagkikitaan ng mga ito.

Ibinatay ng NBI ang kanilang imbestigasyon sa bigat ng mga testimonya ng mga bilanggo rin na naging saksi sa insidente, maliban pa sa CCTV footage na nakuha ang aktual na paghahagis ng granada ng isa sa mga suspek.

Isa sa mga nakasaksi sa paghahagis ng granada ay si Emelito Sitchon kung saan nakita niya si Villa na may inihagis na bagay bago ang malakas na pagsabog. Sinigawan umano nito si Villa subalit di siya pinansin nito at tuloy-tuloy lamang na tumakbo patungo sa kapilya.Pinatotohanan din ito ng isang Nino Garing na nakita niya si Villa na tumatakbo patungong Building 11 matapos ang pagsabog.

Narinig naman ng bilanggong si George De la Pena ang pag-uusap nina Torres,Mostrales at Gerry Pepino tungkol sa balak na pagpapasabog upang makuha ang pamumuno at makontrol ang mga aktibidad sa kamay ni Trestiza.

Narinig din niya si Anora na nag-uutos sa isang Torres ,sa pamamagitan ng celphone , na kunin ang granada sa isang tangke na gagamitin umano sa kanilang maitim na balak. Ang suspek na naghagis ng granada na si Jeff Bulusok o si Villa ay isang tapat na taga-sunod  ni Torres, ayon kay de la Pena.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply