Korapsyon ng traffic cops at collection ni Col. Lee

burdado-jun-briones2

HALOS isang buwan na simula nang una nating isinulat ang umano’y collection activities ni Col. Lee sa mga iligalista sa Kamaynilaan pero hanggang ngayon ay mistulang bulag, pipi at bingi si Chief Supt. Leonardo Espina.

Sa walang humpay na sumbong na ipinararating sa atin ng ilang pulis mula mismo sa NCRPO, umaabot sa

tatlong milyong piso ang weekly collection ng mga tauhan ni Col. Lee.

Ayon pa rin sa sumbong, tuwing Biyernes umano inihahatid ni Col. Lee kay Gen. Espina ang collection.

Sa totoo lang, parekoy, hindi tayo basta naniniwala sa nasabing gawain nitong si Col. Lee na kilalang “bata” (bagman?) ni Gen. Espina.

Ang ipinagtataka ko lamang parekoy, bakit hindi man lang mapaimbestigahan ni Espina ang sumbong na ito kay Lee?

Paano na lang kung hindi totoo ang sumbong na ito? Eh di kawawa naman ang nasabing mga opisyal na napagbibintangan ng hindi totoo!

Sa kabilang banda, paano na lang kung totoo? Eh sarap-buhay pala sina Gen. Espina at Col. Lee mula sa katas ng mga iligalista sa Metro Manila!

Kung magkagayon, bakit sila lang? Bakit hindi na lang payagan ang lahat ng hepe sa buong bansa na magkaroon ng weekly collection mula sa mga iligalista sa kanilang AOR?

Para tuluyan nang mawasak ang organisasyon ng Philippine National Police!

Anong say mo, newly installed PNP Chief Director Gen. Alan Pu-risima? Ok ‘di ba? hak, hak, hak!

-o0o-

Heto pa, Gen. Purisima, ang nagaganap sa inyong AOR.

Hindi umuubra ang babala mo sa mga korap na pulis.

Ayon sa mga sumbong ng mga jeepney driver sa Metro Manila at karatig-lugar gaya ng Bulacan, kung mangotong sa kanila ang mga ito ay ganu’n na lamang.

Organisado at marunong ding gumawa ng prente ang mga pulis sa kanilang pangongotong.

Kung hindi makadekwat sa mga tsuper ang mga pulis, dinaraan ang kotong sa paniniket.

Pero tinatadtad nila, parekoy, ng traffic violation ang mga tsuper para sila makarami sa komisyon.

Magkano ba ang komisyon ng mga pulis mula sa Land Transportation Office?

Heto ang bisyo ng mga tarantadong pulis. Mas mahal maningil sa bangketa ang mga Traffic Management Group dahil hindi raw sila ordinaryong pulis. Hak! Hak!
Hak! Pwe!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply