Kostumer na baon sa utang ‘suspek’ sa money lender slay

MALAKI ang suspetsa ng pulisya na ang nasa likod ng pagpatay sa isang money lender trader sa Quezon City nitong nakaraang Martes ng gabi ay ilan sa mga kostumer niya na baon sa utang at wala nang kakayahang matubos pa ang kanilang isinanlang ATM cards.

Bukod kasi sa P100,000 natangay sa biktimang si Jesus Gamban, 44, ng San Jose del Monte, Bulacan, tinangay din ng dalawang naka-motorsiklong suspek ang may 50 automated teller machine (ATM) cards at listahan ng personal identification number (PIN) ng bawat ATM card matapos dalawang ulit na binaril ang biktima.

Sinabi ni Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na si SPO1 Joselito Gagaza,  ang ibig lang sabihin nito ay malamang na kliyente ng biktima ang mga suspek dahil alam ng dalawa kung paano ang panuntunan ng biktima hinggil sa kanyang negosyong 5-6  o lending business.

Isa aniya sa mga panuntunan ni Gamban bago makautang sa kanyang negosyong pautang ay isuko ang ATM card ng isang kliyenteng may pagkakautang sa kanya para sa oras ng napag-usapang bayaran na araw ay maiwi-withdraw kaagad nito ang utang ng nasabing kliyente.

Maaari rin aniyang ang pakay ng mga suspect kaya pati ang mga ATM cards ay tinangay ay upang ipatubos naman sa mga kliyenteng may malaking pagkakautang sa biktima.

Pinagbabaril at napatay si Gamban ng dalawang hindi nakikilalang armadong kalalakihang lulan sa motorsiklo sa J. Aquino St., malapit sa Sto. Domingo Avenue sa Barangay Balingasa, Q.C. noong nakaraang Martes ng gabi ilang minuto lamang matapos mag-withdraw ng P100,000  sa ATM machine sa may Grace Avenue.

Si Gamban ay may apat na taon nang nagpapautang sa kapwa niya manggagawa sa isang pipe manufacturing firm sa Kaingin Road.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply