Kotongan sa Bulacan at Maynila at overpriced yosi

benny antiporda

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na mailabas ang kanilang mga hinaing, problema, paninindigan at marami pang iba.

Heto po sila.

KOTONGAN SA MAYNILA

Sir, puwedeng pakitulungan naman kami sa grabeng kotongan dito sa Barangay 310, Recto, Sta. Cruz, Manila. Parang sila na lang ang ipinaghahanapbuhay namin. Mga tanod pasaway at kagawad, pati chairwoman walang patawad sa aming mga driver. Malakas kay mayor kaya malakas ang loob nilang mangotong dito. Tulong na-man, sir. Maligayang Pasko po at Happy New Year. 0929494….

PUTUKAN ITIGIL

Sa lahat ng Filipino, sana walang paputok sa alinmang sulok ng bansa para naman matahimik ang bayan natin sa susunod na taon. Bigyan natin ng tahimik na New Year’s resolution ang bansa natin bilang pagrespeto na rin natin sa ating mga kababayan na dumanas ng nakaraang de-lubyo. Kada darating na Ba-gong Taon ay punom-puno tayo ng paputok at kaguluhan kaya pag Bagong Taon na ay nagsisimula na ang gulo, kasama ang disgrasya at delubyo. Ihinto natin ang putukan. Indigenous People’s ng Pilipinas. 0920823….

POLITICAL GIMMICK SA CEBU

Ang isyu sa Cebu kay Gov. Gwen Garcia ay political gimik ni bagong DILG Sec. Roxas para makontrol na niya at makapandaya sa susunod na eleksyon. Sec. Roxas, ang kapal ng &%@$ mo. Matagal pa ang presidential elections, ‘di ka mananalo kay Vice Pres. Jojo Binay. Leyte. 0909633….

TANONG SA BATAS NG RH

Maitanong ko lang po, na sa RH law ba na ‘di na puwedeng kasuhan at ipakulong ang isang misis ng kanyang mister? Nakapag-asawa ng iba ang kanyang misis kahit kasal sila. 0948295….

TRAPIK SA CALOOCAN CITY

Good am po. Sana po patuloy ninyong bulabugin ang mga opisyal ng Brgy. 131, Barrio San Jose, Caloocan City partikular sa Kalye Agudo mula Palawan. Puno ng truck hanggang sa may simbahan ng San Jose Parish, laging one way ang takbo ng mga sasakyan dito dahil sa mga pampasaherong jeep na pag aari ng nagngangalang Ritchie at chairman Boy Saudi. Nagiging daan ng kaguluhan ang mga sasakyan na ito. Mahiya naman sana kayo sa kalugar n’yo dahil sa pang-aabuso niyo. Salamat po at more power sa inyong kolum. Concerned citizen. 0928253….

YOSI PINAMAHAL NA SA BATANGAS

Good am po. Matanong ko lang po, epektibo na ba ang sin tax law? Kasi rito sa amin,  lahat ng presyo ng sigarilyo nagtaasan na mula sa dating presyo. May brand ng yosi na dati’y binibenta ng P31 kada kaha, ngayon P52 na at me brand na dati makabibili ka ng isang pakete, ngayon hanggang isang kaha na lang. Iyan na ngayon ang asal ng malalaking tindahan dito sa bayan ng Taal, Batangas. Akala ko ba, kailangan pa iyon na i-publish sa dyaryo at 2013 pa epektib ang sin tax law. Eh bakit po tatlong araw pa lang na ipinasa ng Senado ay biglang ipinatutupad na. Alam po kaya ito ng DTI? 0947590….

PAGSABOG NG MGA PAPUTOK

Good day po, Tito Benny. Pakiparating naman po itong hinaing ko sa bagong upo na si Gen. Purisima. Kasi po, doon sa Quezon, bayan ng Gumaca, talamak po ang pangongotong ng pulis sa tapat ng palengke sa aming mga biyahero. Pinapara po kami at hinihingian po ng pera. Sa liit po ng sahod namin, wala nang natitira sa amin. Pakiaksyunan naman po. Huwag niyo pong i-publish ang # ko. Concerned citizen.

GRAHAM LIM KAWAWA

Ano kaya ‘yung tuwid na daan? Mukha yatang nabangga kaya lumiko. Kahit sinong tao maaawa kay Graham Lim. Pero ang mga nasa posisyon, eh, theme song nila ang Pusong BATO. Mga tuta nga naman, hindi kakagatin ang aso. Kinakain lang nila ang isinuka nilang salita. 0927262….

PANINIWALA SA RH LAW

Ang RH law ay kontra sa batas ng Panginoon. Kinikitil nila ang binhi na ibinigay ng ating Panginoon na maging tao. Massive killings sa mga buhay na sperm na bigay ng ating Panginoon para maging tao. RH law is rejecting the early source Of Human being, so RH law is in human, ‘di makato, anti-life, pro-communism at anti-democracy. KADENA-Cebu. 0920823….

KOTONG SA SJDM, BULACAN

Gandang hapon po. Mukhang wala pong naging aksyon ang hepe ng PNP sa San Jose del Monte, Bulacan sa ini-report ko. Kasi po narito ngayon sa palengke ng Sampol Market ‘yung Rey Salvador na tauhan ng Compac 5 under SPO3 Freddie Ferrer. Kinukuha na po ‘yung mga sobreng ikinalat nila. Pati nga po mga traffic enforcer dito nagkakalat din ng mga sobre. God bless po. 0922208….

MADAYANG GAS STATION

Thank you po sa column n’yo at sorry kasi hindi ko nai-text agad nang mabasa ko ang message ko sa inyo. At sana po mabigyan ng pansin ang aming reklamo kasi wala kaming magawa dahil calibrated ng city hall. Kaya kung may panahon kayo, subukan sila para maituwid sila sa kanilang pandaraya. Lalo na rito sa Araneta. Kasi sinubukan kong bumili na may dalang pang-isang litro na plastic. Sakto dapat ngunit sabi nila bawal at ‘di pumayag ang manager na makuha ang sukatan nila. Sabi ko, pag gasoline boy ang magbigay, tiyak na sablay. Kaya sana po mabigyan ninyo kami ng tulong kasi dinaraya kami ng mga gasoline station, lalo na rito sa Araneta Ave. at halos pare-pareho po sila.  Muli mabuhay kayo at Merry Christmas at sana makarating sa kinauukulan na ‘di nila kasabwat dito sa QC. 0947628….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply