Kris Aquino interesado sa ex na hunk papa ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga

kris-aquino-3

OPS!Huwag maglalagay ng malice kung feel ni Kris Aquino na isama sa kanyang top-rating morning show na Kris TV sa Kapamilya network ang ex na Hunk Papa ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga. Naging bisita kasi ni Kris at ng co-host na si Melai Cantiveros recently lang si Daniel kasama ng iba pang Brazilian’s celebrities.

Tapos, tinanong ng Queen of All Media si Melai kung gusto nitong makasama si Daniel sa show nila? Mabilis na- mang tumugon ang komedyana ng “Of course, yes!” At nang tanungin ang nasabing Brazilian/Japanese model-actor ni Kris kung wala bang magiging problema sa kontrata niya sa TV5 kapag ipinasok siya nito sa Kris TV? Wala raw naman dahil wala siyang exclusive contract sa TV5.

Pero sa aming palagay, kung gugustuhin at magiging seryoso talaga si Kris sa serbisyo ni Papa Daniel ay mage-gets niya talaga ang hunky actor lalo pa’t best of friends sila ni Mr. Manny Pangilinan na owner ng TV5 kung saan kasalukuyang may dalawang show ang katilam-tilam na Brapanese actor na balik sa pagiging fit na naman ang katawan.

Pero huwag ng mag-ilusyon ang iba riyan na magkaka-developan pa sina Kris at Daniel dahil may bagong girl na raw sa buhay ng host ng Game ‘N Go.

Oo nga naman gyud!

***

Jodi at Richard, may bonggang Christmas gift!

KAPWA malaki ang pasasalamat nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa pagbabagong idinulot sa buhay at career nila ng kanilang undisputed no.1 daytime TV program na Be Careful With My Heart na inanunsyo kamakailan na ex- tended hanggang gitnang bahagi ng 2013.

Ayon kina Jodi at Richard, itinuturing nila ang kanilang kilig-serye bilang pinakamalaking regalong natanggap nila ngayong taon. “Sa totoo lang, malaking regalo na rin ang pagkaka -taong naibigay sa amin na maging source of inspiration ng maraming tao. Sa palagay ko, hindi lang ang audien- ce ang nai-inspire ng mga characters namin dahil kami mismo, may natututunan sa kanila,” sabi ni Jodi.

“Ang success ng ‘Be Careful With My Heart’ ay talagang blessing. We are blessed to have everything feel-good in the show,” pahayag ni Richard. “At malaki talaga ang pasasalamat namin sa suporta ng fans kung kaya’t gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para pasayahin kayo araw-araw.”

Samantala, nang tanungin kung anong mga balak nila para sa Pasko, kapwa plano nila Jodi at Richard na makasama ang kanilang mga pamilya sa espesyal na araw na iyon. “Christmas will be spent with my loved ones. Nagpa-plano akong magluto para sa noche buena para sa family ko,” ani Jodi.

“Magbabakasyon rin kami sa ibang bansa. ‘Yun na ang Christmas/New Year treat ko para sa kanila.”

“Plano kong makasama nang matagal ang wife ko at mga anak ngayong Holiday season para naman makabawi ako sa mga panahon na hindi ko sila nakasama dahil sa taping schedule namin,” sabi ni Richard.

Patuloy na sundan ang nakakikilig at nakatutuwang kuwento nina Maya at Sir Chief sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 11:15am, bago mag-It’s Showtime, sa Primetanghali ng ABS CBN.

Samantala, mapaNOnood naman ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind tuwing Sabado, 10:30am, bago mag-It’s Showtime. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-‘like’ ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply