KTM Duke 200

DUMATING na sa bansa ang bagong naked bike ng KTM ng bansang Austria sa pamamagitan ng KTM Philippines/Access Plus. Ang Duke 200cc na liquid-cooled ay may single cylinder 4-stroke engine na nagbibigay ng lakas na 26 horsepower. Ito’y may 6-speed manual transmission at may 17” na alloy wheels.

Ang pinagmamalaki ng Duke 200 ay ang kanyang fuel consumption na 30 kilometro kada litro ng gasolina, dynamic cornering, at suwabeng pagtakbo.

Para sa mga hindi pamilyar sa KTM, ang kompanyang ito ay nagsimula noong taong 1954 sa Mattighofen, Austria. Malaki ang partisipasyon ng KTM sa larangan ng motorsports. Sila’y sumasali sa motocross racing, superbikes, at pati sa tanyag na Paris-Dakar Rally. Isa sa may pinakamalawak na pagpipilian ng motorsiklo ang KTM. Ang kanilang product line ay mula sa mx, enduro, spermoto, superbike, at hanggang sa kanilang 4-wheel na mga atv at  X-Bow line.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply