Kuratong Baleleng at Ozamis robbery hold-up group, iisang grupo lang

SINANG-AYUNAN ng Philippine National Police (PNP) ang isiniwalat ni Sen. Panfilo Ping Lacson na iisang grupo lamang ang Kuratong Baleleng at Ozamis Robbery Hold-Up Group, na patuloy na nag-ooperate sa Metro Manila.

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo, tagapagsalita ng PNP, nakarating na sa kanilang kaalaman ang impormasyong nakalap ni Lacson at ito’y pinag-aaralan na ng kanilang pamunuan.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Cerbo ang pagbaba ng krimen sa bansa, base sa kanilang istatistika.

Ayon kay Cerbo, marami ng mga robbbery hold-up at organized crime groups ang kanilang nabuwag dahil na rin sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad at pakikipag tulungan ng mga mamamayan.

Tiniyak naman ni Cerbo na mas mabibigyan ng proteksyon ang taong bayan ngayong Kapaskuhan matapos na sinisimulan ang paglalagay ng isang pulis sa bawat barangay.

Layuning matutukan ang mga krimen na nagsisimula sa mga barangay tulad ng pagnanakaw, snatching at iligal na droga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply