Laban nina Pacman, Marquez libreng mapapanood sa Marikina

BILANG patuloy na pagpapakita ng suporta kay “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao, muling magbibigay ng libreng pagpapalabas (free live telecast) ng sagupaang Pacquiao-Marquez 4 ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa Linggo, ika-9 ng Disyembre sa ganap na ika-9 ng umaga sa ilang piling lugar sa lungsod.

Ang mga manonood ay pinapayuhang pumunta sa mga sumusunod na lugar para makapanood ng laban: Marikina City Hall (Freedom Park), Parang Playground (Brgy. Parang) at Marikina Heights Basketball Gymnasium (Brgy. Marikina Heights).

“Inaasahan natin ang pagpunta ng may 30,000 o higit pang katao sa ating mga itinakdang lugar ng libreng pagpapalabas. Ginagawa nati ito sa tuwing may laban ang ating kababayang si Eight-Division World Champion Manny Pacquiao kasabay na rin nito ang pagpapakita ng ating suporta sa kanyang magiging laban kontra kay Juan Manuel Marquez sa ikaapat na pagkakataon,” wika ni Mayor Del De Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply