Laban sa RH bill tuloy pa rin – obispo

oscar-cruz-3

PATULOY pa ring iginigiit ng Simbahang Katolika ang kanilang hangarin para hadlangan ang pagpapasa sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Sa pahayag, ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na hindi pa tapos ang kanilang pakikipaglaban kaugnay sa pagpasa ng kontrobersyal na panukala sa 2nd reading sa Mababang Kapulungan kaninang madaling araw.

Ayon kay Cruz, tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng Simbahang Katolika para hindi maging ganap na batas ang RH bill.

Malaki ang hinala ng obispo, nakalusot ang RH bill sa 2nd reading dahil isinangkala ng Malakanyang ang pork barrel ng mga kongresista at ginigipit ng Palasyo ang mga mambabatas na bumoto pabor sa health measure.

Sinabi pa ni Cruz na kahit saan umano makarating ang RH bill ay patuloy na magmamatyag ang Simbahang Katolika.

Sa susunod na linggo ay inaasahang matatapos na ang 3rd reading ng RH bill sa Mababang Kapulungan habang nakabinbin pa rin ang panukala sa 2nd reading sa Senado.

Naunang sinabi ng Malakanyang na igagalang ng mga obispo ng Simbahang Katolika ang posisyon ng mga mambabatas na bumoto pabor sa kontrobersyal na panukalang batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply