Lacson inabsuwelto ng SC sa Kuratong Baleleng case

ping-lacson

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang pagbasura ng mababang hukuman sa kasong kriminal laban kay Senador Panfilo Lacson kaugnay ng diumanoy pagkakasangkot niya sa Kuratong Baleleng gang rub-out nOong 1995.

Labing tatlong mahistrado ang bumoto pabor sa nauna nang hatol ni Judge Ma.Theresa Yadao ng Quezon City regional trial court Branch 81.

Nag-inhibit sa nasabing kaso si Associate Justice Antonio Carpio.

Nauna nang ibinasura ng QC RTC ang kasong murder laban kay Lacson at sa iba pang opisyal ng pulisya dahil sa kawalan ng probable cause.

Sa desisyong pinonente ni Associate Justice Roberto Abad, tinukoy ng Kataas-taasang hukuman na walang naging grave abuse of discretion sa panig ni Judge Yadao nang kanyang ibasura ang kaso.

Sa nasabing insidente,11 miyembro ng Kuratong Baleleng ang napatay noong 1995 nang si Lacson ay nanunungkulan pa bilang hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force o PAOCTF.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply