Laging bigo sa pag-ibig, binata nagbigti

Rizal – Lawit ang dila at wala nang buhay nang madiskubre ng kanyang mga kasambahay ang isang binata matapos magbigti dahil sa paulit-ulit na pagkabigo sa pag-ibig kaninang madaling araw sa Taytay.

Kinilala ni ang biktima na si Leo Maligaya, 34, ng 17B Uranus st., Tancinco, Brgy. San Isidro,  nasabing bayan.

Sa ulat, alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto ng kanyang nakatatandang kapatid na si Mary Jane.

Ayon kay Mary Jane, laking gulat niya nang makita ang kapatid na nakabitin sa kisame ng kaniyang kuwarto gamit ang isang nylon cord at halos nakalawit na ang dila.

Kaagad niyang tinawag ang isa pang kapatid na si Raquel para saklolohan ang binata kung saan ay  agad nilang pinutol ang nylon cord sa pagbabakasakaling maisalba pa ito.

Ayon pa kay Mary Jane, hindi ito ang unang pagtatangka ng binata sa kanyang buhay dahil sa pagkabigo sa pag-ibig at walang mahanap na trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply