Lagman tiwalang maisasabatas ang RH bill

rep-edcel-lagman

MALAKI ang tiwala ni Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng Reproductive Health (RH) bill, sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na plantsado na ang pagsasabatas ng kontrobersyal na panukala ngayong  sinertipikahan na itong urgent ni Pangulong Benigno Aquino.

Ayon kay Lagman, dahil sa sertipikasyon, hindi na kailangan pang maghintay ng 3-araw matapos maipamigay ang printed copy ng RH bill sa mga kongresista bago ito mapagbotohan sa 3rd at final reading sa Lunes, Disyembre 17.

Naniniwala rin si Lagman na lalong lalaki ang lamang ng RH advocates sa gagawing pagbasa sa Lunes kaysa sa 2nd reading kahapong
madaling-araw na 9 lang ang lamang ng Yes vote sa No.

Tiwala rin si Lagman na maging sa Senado ay mamadaliin na ang pagpapasa ng panukala at inaasahang makapagsasagawa sila ng bicameral conference committee meeting sa Miyerkules at maisusumite ito sa Malakanyang bago magbakasyon ang mga mambabatas.

Kaugnay nito, ikinatuwa ng isang grupo ng mga Katoliko sa Cebu na sumusuporta sa Reproductive Health Bill ang pag-certify ni Pangulong
Benigno Aquino na urgent para maipasa ang nasabing panukala.

Ipinaalala ng internal Vice President ng Catholics for Reproductive Health Dr. Lenny Ocasiones na hindi malilimutan ng publiko ang
hindi pagpabor ng mga kongresista lalo na mula sa Cebu sa RH bill.

Ayon kay Ocasiones, pinakinggan ng mga kongresista na pabor sa RH bill ang boses ng mga Katoliko lalo na ang mga kababaihan na matagal nang nangarap para sa reproductive health program.

Kaugnay nito, umaasa sila na wala nang magiging problema sa pag-apruba ng RH bill sa huling pagbasa sa susunod na linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply