Lakers pinagpag ang 76ers

BAHAGYANG umahon ang Los Angeles Lakers matapos ilista ang ikalawang sunod na panalo kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Kumamada ng 34 puntos, anim na assists at apat na rebounds si Kobe Bryant upang pagpagin ang Philadelphia 76ers, 111-98 at pagandahin ang team standing ng L.A.

Nasa pang 12 puwesto ng Western Conference ang Lakers bitbit ang 11-14 win-loss slate.

Nag-ambag din si Metta World Peace ng 19 points at career-high 16 rebounda habang si star center Dwight Howard ay bumakas ng 17 pts. At 11 boards para sa Lakers.

”It’s guys playing with confidence and guys trusting each other,” wika ni Bryant, ”We played well, communicated well, kept attacking and good things happened. I know the questions have been coming because we hadn’t been winning, but our time will come.”

Kahit hindi pa nakakapaglaro sila Pau Gasol at Steve Nash ay nadomina pa rin ng Lakers ang laban dahil sa mga inambag ng kanilang bench players na sina Darius Morris at Jodie Meeks.

Bumira si Morris ng 15 markers habang 12 puntos ang tinikada ni Meeks.

”We did a great job of attacking early and then we stayed with it,” dagdag ni Bryant. ”Our bench did a great job and stepped up and our whole team stepped up and just played with confidence.”

Hawak ng Lakers ang lamang sa first half, 60-50 at lumobo pa sa 14, 87-73 sa third canto.

”They knocked down a lot of 3s and they kind of spread the floor,” lahad ni Nick Young, na may binirang 30 puntos para sa Sixers. ”You have to give them credit.”

Samantala, pinaluhod ng Denver Nuggets ang Sacramento Kings, 122-97 habang giniba ng Toronto Raptors ang Houston Rockets, 103-96.

Hinablot naman ng Portland Trail Blazers ang manipis na 95-94 panalo laban sa New Orleans Hornets.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply