Lalaki binosohan ang kasera sa paliligo, ipinakulong

SWAK sa selda ang isang lalaking nangungupahan ng kuwarto nang silipan nito ang kanyang kasera habang naliligo nitong Biyernes ng gabi sa Quezon City.

Kasong unjust vexation ang isinampa ng Quezon City Police Talipapa police station laban sa suspect na si Jose Rufino, nangungupahan ng kuwarto sa may Herminigilda Street,  Barangay Pasong Tamo na pag-aari ng 36-anyos na biktimang ayaw magpabanggit ng pangalan.

Naganap ang insidente dakong alas 10:30 nitong Biyernes ng gabi sa laban ng banyo ng biktima.

Ayon kay P03 George Madrid, ng Talipapa police station, bago ang insidente ay naliligo ang biktima sa banyo nang mapansin niyang may dalawang mainit na matang nakamasid o naninilip sa kanyang pagsasabon ng katawan.

Sumimple lumabas ng banyo ang biktima nang hindi nahahalata ng suspect at nakita si Rufino na nakatayo sa isang plastic stool na malapit sa bintana ng banyo.

Nahuli naman agad si Rufino ng mga barangay tanod nang biglang humingi ang biktima ng tulong.


Leave a Reply

*
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.