Lalaki kulong sa boga

KULONG ang isang lalaki matapos mahulihan ng paltik habang nakikipag-usap sa bebot sa Navotas kagabi, Disyembre 22.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si Romnick Abuan, 37 ng Fatima st., Fatima st., Daanghari ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na may nakasukbit ng baril sa beywang ang suspek habang nakikipag-usap sa hindi na nakilalang babae sa Daanghari st., Daanghari.

Agad na nirespondehan at nakita ang suspek na nakipagkuwentuhan pa habang nakalawit ang puluhan ng baril sa beywang.

Nang lapitan ay hindi na nakapalag ang suspek at nakuha ang paltik na kalibre .38 na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Inaalam na ng mga pulis kung sangkot sa mga ilegal na gawain ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply