Kelot nahulihan ng baril sa loob ng eskuwelahan, tiklo

tiklo

KULONG ang lalaki habang nakatakas ang tatlong hindi pa kilalang mga kasama nang pasukin ang isang eskuwelahan habang dala ang baril sa Malabon City kagabi, Disyembre 21.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si Roderick Capiral, 32, ng Talipapa, Obando, Bulacan.

Base sa ulat, dakong alas-9:25 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na may apat na lalaki na de-baril ang pumasok sa loob ng Tinajeros Elementary School ng lungsod.

Agad na nirespondehan na naging dahilan upang tumakas ang tatlo nang makita ang mga pulis habang naiwan sa isang silid ang suspek.

Hindi na nanlaban ang suspek nang masakote ng mga pulis at nakuha ang dalang paltik kung saan inaalam na kung ano ang pakay ng grupo ng mga suspek sa pagpasok sa eskuwelahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply