Lalaki, natagpuang patay sa Iloilo motel

PINANINIWALAANG namatay sa sarap ang isang hindi nakikilalang lalaki matapos matagpuan ang bangkay nito sa loob ng isang motel sa Iloilo City kaninang madaling araw.

Sinabi ni Police Chief Inspector Alexander Rosales, hepe ng Lapaz police station na ang biktima ay walang nakitang anomang kapansanan sa ulo at sa ibang bahagi ng katawan kaya malamang na inatake ito sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang kasamang babae.

Hinahanting na ngayon ng mga tauhan ni Rosales ang misteryosang babae dahil sa pagabandona sa biktima at sa kasong pagnanakaw dahil nawawala ang pitaka ng biktima.

Sa ulat, natuklasan ang krimen dakong ala 1 ng madaling araw sa loob ng Room 36 ng Katrina Lodge na nasa Lapaz, Iloilo City.

Bago ito, nabatid na nag-check in ang biktima dakong alas 10 nitong Linggo ng gabi kasama ang isang hindi nakikilalang babae para sa tatlong oras na pananatili sa nasabing motel o short time .

Kaya nang lumampas na sa itinakdang 3 oras, kinalampag na ng mga roomboy ang kuwartong inupahan ng biktima pero hindi ito sumasagot.

Sa pangambang may nangyaring masama sa biktima, sapilitang binuksan ng mga roomboy ang pintuan ng kuwarto nito at nakita itong nakahiga sa kamay na wala ng buhay.

Nangalap na ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng mga ebidensiya sa bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply