Lalaking natutulog sa traysikel nadaganan ng trak, pisak

crime6

NAPISAK ang katawan ng isang binatang natutulog sa loob ng traysikel nang madaganan ng trak na nabuwal sa kalsada sa La Union nitong nakaraaang Mikyerkules (Disyembre 12).

Dead on the spot sanhi ng pagkalasog ng mga buto sa katawan ang biktimang si Fernando Esla, 25-anyos, at residente ng Barangay Nangcamotian, La Union.

Sumuko naman agad at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property ang drayber ng 14-wheeler truck na si Pedro Barnachea, 46-anyos, may asawa at residente ng  Poblacion West, San Ildenfonso, Ilokos Sur.

Sa ulat na nakarating sa PNP headquarters sa Quezon City, naganap ang insidente dakong alas 10 nitong Miyerkules ng gabi sa national highway ng Barangay Camp 1, bayan ng Rosario, La Union.

Bago ito, pumara ang trak sa gilid ng national highway dahil sa ikinasang checkpoint ng awtoridad pero dahil sa biglang pagpreno ay biglang tumagilid ito sa kalsada at nabagsakan ang traysikel na pinagtutulugan ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply