Larawan ng mga senador na nagsusulong ng sin tax bill pinagbabato ng itlog

PINAGBABATO ng itlog ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)- NCR ang mga larawan ng mga senador na nagsusulong na maipasa ang panukalang batas ng sin tax bill.

Ayon kay Gie Relova, BMP-NCR Secretary General, ang kanilang kilos protesta ay bahagi ng pagkondena sa nasabing panukalang batas dahil isa na naman itong dagdag pasanin sa taumbayan .

Binigyan diin ni Relova na ang pagpirma ni Pangulong Benigno Aquino sa sin tax law ay ang pinakamalaking pagkakasala aniya nito sa mamamayang Pilipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply