Lider ng Ozamis robbery hold-up gang, itinakas sa NBP

ITINAKAS ng nagpanggap na dalaw ang isang lider ng Ozamis robbery group na nakapiit sa loob a National Bilibid Prisons (NBP) kaninang umaga.

Ayon kay Southern Police Director Chief Supt. Benito Estipona, tatlong lalaki na armado ang tumutok ng baril sa mga gwardya para sapilitang itakas ang lider ng Ozamis Group na si Ricky Cadabero kaninang alas-6 ng umaga.

Isinakay ng mga hindi kilalang lalaki si Cadabero sa isa sa mga dalawang motorsiklo na dala ng mga suspek.

Ayon kay Police Senior Superintentent Conrad Capa, hepe ng Muntinlupa police, nagpanggap na mga dalaw ang mga armadong suspek at tinutukan ng baril ang mga jail guard.

Si Cadabero ang itinuturong utak ng robbery hold-up na nangyari sa Alabang Town Center.

Sa ulat mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina, sinabi ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Benito Estipona na isa sa 13 katao na nagsagawa ng panghoholdap sa Czarina Money Changer at
nakapagtangay ng malaking halaga ng salapi.

Batay sa footages na nakuha sa close circuit television (CCTV) camera, positibong nakilala ang isa sa mga suspek na si Ricky Cadabero, alyas Kambal at isang alyas KC na kapwa miyembro ng Ozamis Robbery Group.

Kinilala rin ang dalawa ng mga nasugatang security guard na sina Lope Bacomo at Alexander Sablada nang ipakita ang kanilang larawan mula sa hanay ng mga may rekord na sa pulisya na kanilang nakabarilan.

Sangkot din sa robbery hold-up si Cadevero sa isang bangko sa Quezon City noong 2008.

Kaugnay nito, inalerto ni Estipona ang publiko kaugnay sa posibleng pag-atake ng grupo partikular na sa mga bangko at financial institution habang nakatakda nang imbestigahan ang [agkakatakas ng bilanggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply