Ligtas na karagatan pangako ni Alano

jose-luis-alano

NANGAKO ang bagong Phillippine Navy chief na ligtas ang territorial waters ng bansa.

Sinabi ni Vice Adm. Jose Luis Alano na gagawin niya ang dapat kabilang na ang paggamit ng makabagong pamamaraan para maging ligtas ang karagatan na hindi pa nasusubukan dati.

“If we are to achieve results never before accomplished, we must expect to employ methods never attempted before,” pagmamalaki nito.

Umupo si Alano bilang commander ng 23,000-strong Navy mula sa dating pamumuno ni Vice Adm. Alexander Palma, na nagretiro kanina.

Sinabi pa ni Alano na ang Navy ay may malaking kontribusyon sa misyon at panuntuan ng Armed Forces.

“We should be a responsible partner in keeping our waters safe and secure by maintaining security stability in the (West Philippine Sea) so that freedom of navigation and international trade may continue to flourish,” pahayag pa nito.

Sinabi rin ni Alano na ang kasalukuyang naval capabilities na minamantine ng defense resource management system ay kailangan na naaayon sa Navy’s sail plan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply