Ligtas sumakay sa LTR, MRT sa kapaskuhan – LRTA

NAGPAHAYAG ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit (MRT) sa publiko partikular na ang mga suking mananakay ng naturang tren na ligtas sumakay dito ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay LRTA Spokesman Hernando Cabrera, maraming safety protocol  ang mga train ng LRT at MRT para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Dagdag pa ni Cabrera, awtomatikong tumitigil ang train  tuwing nagkakaroon ng aberya sa makina at anumang uri ng sira at itoy agad naman nilang ipinapagawa upang hindi magkaroon ng aberya sa pagbiyahe.

Nilinaw pa ng tagapagsalita ng LRT at MRT na ibang insidente ang naganap na pagtalon ng isang lalaki at walang anumang naganap na aberya sa pagbiyahe ng mga train.

Aniya, walang kaugnayan  sa makina ang tangkang pagpapatiwakal ng isang lalaki na nakilalang si Rene Daniel Gator, 21, at naninirahan sa Potrero Malabon City.

Kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan si Gator sa Pasay City General Hospital matapos ma-comatose makaraang itong tumalon mula sa istasyon ng LRT sa Libertad, Pasay City kahapon.

Batay sa imbestigasyon ng Pasay City Police na dalawang beses na nagtangkang magpakamatay ang biktima sa nasabing istasyon ng LRT.

Ayon kay Cabrera na una nang nagtangkang magpatiwakal ang biktima sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa papahinto ng train sa southbound ng Libertad station subalit naging maagap ang train operator kaya agad nitong naihinto ang minamanehong tren ngunit nabundol pa rin ng bahagya si Gator.

Tinulungan naman ng mga guwardiya si Gator buhat sa platform ng tren subalit bigla itong tumakbo patungong guide way ng gilid ng LRT hanggang sa tumalon

nang habulin siya ng mga security personnel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply