Listahan ng susunod na Bucor chief, inilabas na

ANIM katao ang aplikante bilang director ng Bureau of Corrections (Bucor).

Ito ay matapos ilabas ng Department of Justice (DOJ)  ang listahan ng mga pangalan  ng mga nag-apply sa nasabing posisyon.

Kabilang sa  mga ito ay sina  dating Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief at ngayo’y DILG Legislative Liaison Officer on Jail matters Rosendo Dial,  dating BJMP Deputy Director Arturo Alit; BJMP Jail Supt. Renato Gacutan; PNP regional director C/Supt. Franklin Jesus Bucayo, BuCor Assistant Director Joselito Fajardo, at retired C/Supt. Artemio Hicban.

Sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na mula sa anim na nag-apply sa nasabing posisyon ay si dating BJMP director Dial ang maituturing na serious contender at ini-evaluate na ang kanyang aplikasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply