Livelihood packages sa mga komunidad, ‘di limos – DOLE

NILINAW ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi limos    ‘dole-out’ ang livelihood packages na pinagkakaloob sa mga komunidad.

Ibinibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE)  ang nasabing livelihood packages sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program Towards Community Enterprise Development.

“They are not dole-outs. They are sustainable employment creation strategies”, anang kalihim.

Ayon kay Baldoz, nais nitong mapalakas ang pagpapatupad ng naturang proyekto upang mapaunlad o ma-develop, maalagaan o ma-nurture, at maipagpatuloy ang income-generating and job-creating enterprises sa lahat ng rehiyon sa bansa.

“We should now move forward in boosting employment creation and productivity by providing equal and viable opportunities to help disadvantaged workers, and lift them up from unemployment to productive jobs,” paliwanag ng kalihim.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng kalihim ang mga opisyal sa regional office ng DOLE na huwag lamang sumentro sa pagbibigay ng tulong pinansiyal kundi palakasin pa ang mga komunidad at mga manggagawa sa pangangasiwa sa kanilang mga community-based enterprises.

“We should act as partners of local communities in generating income and employment by assisting disadvantaged workers not only financially, but also by helping them develop more community-based ventures out of their ingenuity in maximizing their own existing resources”, pagtatapos ng kalihim.

Ginawa ni Baldoz  ang kanyang pahayag kasunod nang tagumpay ng Milkfish (Bangus) Sea Cage Culture Livelihood Project ng Rebucon Fishermen Association (RFA) sa Kolambugan, Lanao del Norte na ipinarating sa kanyang tanggapan ni DOLE Regional Office 10 Director Johnson Cañete.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply