Local officials kinalampag vs Bagyong Pablo

PINAG-IINGAT AT PINAKIKILOS na ng mga kongresista ang lokal na mga opisyal kaalinsabay ng pagpasok ng supertyphoon Pablo sa bansa.

Paliwanag ni San Juan Rep. JV Ejercito na ang local officials ang nakababatid kung saan ang mga lugar at ang lokasyon ng mga dapat na ilikas na residente.

Bukod dito, pinaiigting pa lalo ng Kongreso ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga tao na nakatira sa tabing ilog, mababang lugar at mga landslide prone areas upang makapaghanda pa sa inaasahang paglandfall nito sa Visayas at Mindanao bukas.

Pinabibilisan na rin ang pagkilos ng LGUs upang hindi matulad sa bagyong Sendong noong nakaraang taon na puminsala ng milyong halaga ng mga ari-arian at libu libong mga taong nasawi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply