Lola na lider ng drug group laglag sa PDEA

SWAK sa kulungan  ang 65-anyos na lola  na lider ng isang drug group matapos  madakip  ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang  drug  operation  noong  December 13, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Violeta Vallecer, alyas Ate Vi, biyuda at residente sa  No. 086 Barangay Danglayan, San Pascual, Batangas na  nadakip  na  bisa  ng  search  warrant.

Ayon kay  Cacdac, si  Vallecer  ay lider ng Contreras Drug Group na kumikilos sa Batangas at sa kabila ng edad nitoy nagawa nitong maging lider at siya ring financier at nangangalakal ng iligal na droga sa lalawigan.

Si Vallecer ay nahulihan ng 7 sachet ng shabu na tumitimbang ng may 35 gramo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply