Lola nabiktima ng ‘budol-budol’ gang sa Makati

HINDI nakaligtas ang isang matandang babae sa modus operandi ng kawatan makaraang mabiktima ng halagang P2 milyon cash at alahas sa dalawang umano’y miyembro mg budol-budol gang sa isang mall sa Makati City.

Nauna rito, nakipagkaibigan umano sa biktimang si Rosario Balatbat ang dalawang suspek bilang kaibigan ng kanyang anak at pinakukuha ang pasalubong sa sasakyan.

Subalit sa halip na ibigay ang ipinangakong pasalubong ay umuwi ang mga ito sa bahay ng biktima at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kusa nitong ibinigay ang kanyang mga alahas at dumaan pa sa isang bangko upang mag-withdraw ng pera.

Sa kasalukuyan nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis upang makuha ang kopya ng CCTV ng bangko na nag-withdraw ang biktima upang matukoy ang mga suspek.

Ayon sa biktima, hindi umano niya malaman kung paano siya nahikayat ng mga suspek na magbigay ng pera at salapi na sa hinala ay nadala siya ng himpotismo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply