Lola nagulat sa busina, todas

DAHIL sa malakas na busina ng isang passenger bus ay hindi na umabot pa ng Pasko ang isang septuagenarian na lola nang biglang tumawid matapos magulat dahilan upang mahagip ng rumaragasang sasakayan sa bayan ng Bani, Pangasinan, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa PNP Highway Patrol Group sa Camp Crame, dead on arrival sa ospital ang biktimang si Editha Untala, 71-anyos residente ng Barangay Lacap Norte sa nabanggit na bayan.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Bani PNP ang driver ng Five Star Bus na si Justo Florante.

Sa pagsisiyasat, sinasabing nagulat ang biktima  nang businahan siya ng driver ng bus kaya bigla siyang napatawid at nahagip ng bus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply