Lola tinarakan ng magnanakaw, patay

crime-scene-4

PINAGSASAKSAK hanggang mamatay ang isang 67-anyos na lola ng may apat na hindi nakikilalang lalaki na nanloob sa kanyang bahay sa Camarines Sur, Lunes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na si Juana Batalon, 67-anyos, residente sa bayan ng Tigaon sa Camarines Sur, sanhi ng apat na saksak sa katawan.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nagkasa ng krimen pero naniniwalaang kakilala ng biktima ang isa o hanggang dalawa sa mga suspek.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-10:30 at 11:30 nitong Lunes ng gabi sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang ng mga anak ang kanilang nanay na nakahandusay sa loob ng kanilang bahay at naliligo na sa sariling dugo.

Pinaniniwalaan namang napasigaw ang biktima nang maaktuhan ang mga suspek na may ninanakaw na gamit sa loob ng bahay ng kanyang anak.

Naabutan ng awtoridad at pamilya na nagkalat ang mga gamit sa bahay pero wala namang natangay na mga gamit maliban na lamang sa perang nasa bulsa ng damit ng matanda.

Pinaniniwalaan ding sa maliit na bintana sa likurang bahagi ng bahay dumaan ang hindi nakilalang suspek na patuloy na pinaghahanap ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply