Lolit Solis nagtataray at gustong manampal sa party ni Dra. Belo

lolit-solis

LAGI nating sinasabi na ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan, pero kay Lolit Solis ay tila hindi uso ito. Heto nga’t unang arangkada ng Christmas party ay umeksena agad siya.

Pati ang mga taong wala namang kalaban-laban sa kanya na nagtitiyaga at nagbabakasakaling kahit papaano ay mabahaginan naman sila ng konting pagmamahal mula sa mga taong gustong mag-share ng blessings sa kapwa ay hinarang pa ng naturang manager at alok-bati TV host.

Halimbawa rito ang pambabastos na ginawa nito sa isang reporter na nagngangalang Zaldy Rolex at kanyang mga kasama bandang ala-7:00 gabi nung November 30, sa isang kilalang resto sa Morato, Quezon city.

“Nakaupo kami sa bench sa labas ng Annabels habang inaantay ang aming kausap nang aksidenteng madaanan kami ni Dra.Vicki Belo,” panimulang kuwento ni Zaldy. “Nagbigay galang kami sa kanya at gumanti naman siya ng sagot sa amin. Aniya, bakit di pa raw kami pumapasok sa loob kung saan may Christmas party pala siya for the press. Meaning, personal niya kaming inimbitahan,” dugtong pa nito.

Matagal na raw silang magkakilala ng pamosong beauty expert at madalas din niya itong isinusulat.

“Sa pagkakaintindi namin, ang imbitasyon niya ay bilang pasasalamat nang pagsusulat namin sa kanya parati. Kaya kahit paano, isa kami sa nakatutulong sa kanyang publicity,” tuloy-tuloy pang salaysay ng maluha-luhang movie reporter.

“Flattered ako, at sinabi ko kay Dra. Vicki, isasabay ko na lang ang aming photographer para mai-cover ang kanyang press party at umoo naman siya.

“Pero nang pumanhik na kami sa 2nd floor ng Annabels resto ay ayaw kaming payagang mag-log-in ni Lolit sa guestlist. Sinabi ko sa kanyang inimbita ako mismo ni Doktora kaya ako nanduon. Pero nagtatalak itong sumugod sa amin at ang sabi’y ginagamit ko pa raw ang pangalan ni Doktora. Naliwanagan na sana ang assigned receptionist at inaasikaso na kami, kaso nag-hysterical na si Lolit at nagbantang sasampalin kami sa harap mismo ni Doktora. Sigaw pa nito, ‘iharap mo sa akin si Doktora’!

“Sa kabila nang mala-sangganong pambabastos nito sa amin ay nanatili kaming kalmado at magalang sa kanya. Katwiran namin, wala akong dapat ikahiya dahil di ako humangos lang duon nang walang imbitasyon sa lady doctor. Pangalawa, isa lang din naman siya sa nakikipamasko sa generosity ng huli, at lalong di siya ang  PR in-charge.

“Siguro nga  na  kay Shirley Fizarro ang sagot ng senaryo. At alam naman ng lahat ang breeding ni Shirley. Wala siyang ganitong kamalasaduhan. Sa true, hinaharap pa nga kami ng maayos nito (Shirley) sa tuwing may pa-presscon siya dahil may  publicity advance article kaming bibit bago pa kami bigyan ng anumang honorarium.

“Anyway, sinagot ko si Lolit na ‘hayan si Doktora di pa nakabababa sa hagdanan, bakit di mo siya tanungin? Dagling natahimik ang eskandalosang barbaro at kahit di niya aminin, butatang-butata siya sa pagkahiya.

“Bastos, iskuwater, ganid, hidhid, at kahit pa ilang stem cell drum ang isaksak sa kanya, di na mababago pa ang ugali niyang talamak at sakim.  At least, kami parehas sa buhay. At sigurado akong tatanggapin nang maayos ang kaluluwa ko sa langit.

Di tulad ni Lolit na dayukdok at  timawa sa Salapi, Katanyagan, at kapangyarihan na kahit pagharian pa ang buong ka-showbizan, pag-dating ng araw iisa lang ang itatanong sa kanya pag-nagtangka siyang pumasok sa langit-naging mabuting tao ba siya sa lupa?

Bukas ang pahinang ito para sa side ni Madam Lolit. Nasa ibaba ang aming contact number at email address.

***

Mayor Enrico Roque puring-puri ng mga tauhan

SA aming radio program na Star Na Star sa DWIZ 882khz 2-3 p.m from Monday thrue Friday ay lagi kaming nakatatanggap nang text messages mula sa mga tauhan ni Mayor Enrico Roque. Puri-puri nila ang kanilang boss. Maayos daw itong magpalakad sa kanyang mga negosyo at mabait sa mga manggagawa.

Naniniwala kami rito dahil ang ilang movie writers na idenemanda nito ng libel ay kanya ring pinatawad. Binawi niya ang libel case kahit ayaw pumayag ng isang mayor na kasama niyang naghain nang demanda laban sa mga ito.

Anyway, balita namin ay nakatanggap ng parangal ang butihing mayor mula sa Gawad Inang Bayan Award bilang The Best and Most Outstanding Mayor of Bulacan kung saan ginanap ang seremonya sa Historical Barasoain Church sa harap ng monumento ni Emilio Aguinaldo sa Malolos last Nov. 29.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply