Lolo tiklo, 3 tinutugis sa pagkulimbat ng cellphones sa mall

behind-bars-2

KALABOSO ang isang 80 anyos na lolo na kabilang sa apat na suspek sa pagtangay ng may 30 iba’t ibang klase ng cellphone sa isang stall ng cellphone sa Robinson’s mall sa Otis, Pandacan, Maynila.

Nakilala ang isa sa suspek sa pamamagitan ng CCTV footage ng mall na si Rogelio de La Rosa ng Pandacan, Maynila.

Si de la Rosa ay inaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P Supt.Luis Francisco, station commander ng MPD-PS 10.

Tinutugis naman ang tatlo pang kasamahan nito na tumakas at tangay ang nakulimbat na cellphone na nagkakahalaga ng P220,000.

Sa imbestigasyon, nagpanggap umanong bibili ng cellphone ang mga suspek sa Mega Fixel Marketing kung saan nilito nila ang saleslady na si Carolyn Tugcay, 28, dahilan para isa-isang matangay ang cellphone na nasa iskaparate at inilabas pa ni Tugcay para ipakita sa mga suspek.

Nang mapansin ni Tugcay na nawawala na ang mga cellphone ay agad itong humingi ng tulong sa guwardiya at nagreklmo sa himpilan ng pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply