Lolo na lasing kalaboso sa panghahalik sa paslit

behind-bars-2

KALABOSO sa kulungan ang isang lasing na lolo matapos mahuli sa aktong nilalaplap ang bibig ng isang paslit sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Bagama’t itinanggi ang akusasyon na ibinabato sa kanya, ikinulong pa rin si Danilo Leyte, 51-anyos residente ng Barangay Talipapa, sa Talipapa police ng Queozn City Police District (QCPD) at nahaharap sa kasong child molestation.

Sa report, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa isang tindahan sa Barangay Talipapa.

Ayon sa nanay ng biktima, binigyan niya ng pera ang kanyang anak para bumili ng gelatin sa tindahan pero nang naroon na ay sinalubong siya ng suspek.

Sinabi naman ng isang testigo, nakita niyang hinalikan ng suspek ang biktima ng halos dalawang minuto at marahil nasarapan ay inullit pa ulit na tumagal na nang tatlong minuto at saka umalis,

Lingid sa suspek, nakita pala ng may-ari ng tindahan ang kanyang pangmomolestiya sa paslit kaya isinumbong agad ang insidente sa nanay ng biktina na siya namang nag-report sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip kay Leyte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply