Lolo naaagnas na nang matagpuan

bangkay-2

NAAAGNAS at nangangamoy na nang makita ang isang lolo sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion, Makati City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Juanito Meskite, 58-anyos, isang retired employee at residente ng naturang lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng Makati Police, huling nakitang buhay si Meskite noong nakaraang Biyernes, Disyembre 14 pa at kagabi ay nakita na itong isang malamig na bangkay.

Hinala naman ng pulisya, namatay sa sakit at walang kasama ang biktima.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad at inaalam kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply