Lolo tinarakan ng kubrador, patay

crime3

INABANGANG lumabas ng bahay saka tinusok sa leeg ng isang kubrador ng lotto ang isang 59-anyos na lalaki sa Pandacan, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Francisco Adina, may-asawa ng Obesis St., Pandacan, Maynila.

Nasa kustodiya naman ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section ang suspek na si Aurelio Lamadrid, 68 anyos, may asawa at residente rin sa nasabing lugar. Si Lamadrid ay sumuko sa kanilang punong barangay bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa ulat na isinumite ni Det. Anthony Boncan kay P/Sr.Insp. Esmael “Maying” dela Cruz, dakong 9:45 ng umaga nang maganap ang nasabing krimen sa harapan ng bahay ng biktima.

Bago ang krimen, nagkaroon pa nang mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek Martes ng gabi. Nabatid na tumanggi ang biktima sa paniningil sa kanya ng kubrador.

“Nagbayad na ako,” ito ang sinabi ng biktima kay Mang Aurelio nang sinisingil ng halagang P50 para sa taya sa lotto.

Sa pahayag ni Mang Aurelio, madalas tumaya sa kanya si Adina, pero hindi naman umano ito nagbabayad.

Anang suspek napuno na siya sa suspek at kaninang umaga ay inabangan nito ang paglabas ni Adina saka walang sabi-sabing tinarakan sa leeg ang biktima gamit ang bread knife. Tumagos sa kabilang bahagi ng leeg ng biktima ang bread knife na naging sanhi ng pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply