Lolo utas sa kalibre 45 sa Quezon City

TUMIHAYA sa kalsada ang isang lolo nang barilin ng isa sa dalawang kalalakihan na umatake sa kanya sa Quezon City nitong nakaraang Sabado.

Dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa batok  si Benjamin Gabriel, 66, ng San Roque Street, Barangay Bagumbayan.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) sa kung sino ang bumaril sa biktima at maging ang motibo sa krimen pero may hinalang may kinalaman ito sa pustahan sa internet games.

Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente dakong alas 7 nitong nakaraang Sabado sa tapat ng isang internet shop na malapit sa bahay ng biktima.

Ayon kay Police Officer 2 Rhic Pittong ng QCPD-CIDU, bago ang pamamaril ay hinihintay ng biktima sa labas ng nasabing internet shop ang kanyang pamangkin.

Pero maya-maya lamang, sumulpot ang isa sa dalawang suspek na lulan sa isang motorsiklo at binaril sa abtok ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply