Lolong may sakit nag-suicide

bangkay-2

PAGPAPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ang naisip na paraan ng isang 67-anyos na lolo upang matakasan ang 10 taon nang iniindang dinadalang karamdaman sa Pasay City, kagabi.

Patay na nang madiskubre ng kanyang walong taong gulang na apo ang biktima na si Igmidio Villegas sa kanilang sala sa loob ng bahay na matatagpuan sa 1255 R. Cruz St. Malibay dakong alas-6:20 ng gabi kaya’t kaagad nitong tinawagan ang kanyang tiyahin upang ipaalam ang pangyayari.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Allan Valdez ng Pasay City Investigation Division, madalas umanong sabihin ng biktima sa mga anak na nais na niyang mamatay dahil wala ng lunas ang kanyang sakit na tuberculosis.

Ayon sa anak ng biktima na si Maricel Villegas, 10 taon ng dinaramdam ng kanyang ama ang karamdaman subalit ginagawa nila ang mga pamamaraan upang kumbinsihin ang kanilang ama na maging matatag subalit halos hindi na umano ito kumakain kaya’t nangangayayat at nanghihina.

Napag-alaman na ginamit ng biktima ang isang kitchen knife na itinarak sa kanyang dibdib. Natagpuan naman ng pulisya ang duguang patalim sa ibabaw ng mesa bagama’t inamin ni Maricel na siya ang naglagay nito nang damputin ang kutsilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply