LPA mararamdaman bukas

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) na mararamdaman na bukas sa Silangang bahagi ng Visayas at sa Silangang Mindanao ang mga pag-ulan na dala ng papalapit na low pressure area (LPA).

Ayon kay PAGASA weather forecaster Chris Perez, na mahina hanggang sa katamtaman lakas ng ulan ang ibibigay ng mga paunang kaulapaan na dala ng LPA.

Bagama’t hindi pa tuluyang nakakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang LPA, namataan ng PAGASA ang sama ng panahon kaninang alas-2:00 ng madaling araw sa layong 800 kilometero sa silagangang boundary ng PAR.

Kumikilos ang naturang LPA pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour, gayunman ay pa-bago-bago ang galaw nito kada anim na oras pero hindi magiging ganap na bagyo ay magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan.

Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga nakatira malapit sa tabing-ilog at tabing-dagat na maging alerto sa posibilidad ng flashflood maging sa mga nakatira sa gilid ng bundok na maging alerto sa posibilidad ng landslide.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply