LPA nagbabanta ng pagbaha sa Mindanao

MAS lumapit ang low pressure area (LPA) sa Pilipinas kaninang umaga (Disyembre 21), kaya nagbabala ang state weather forecasters na malakas na pagbuhos ng ulan na maaaring magdulot ng flash floods at landslides sa ilang parte ng Mindanao.

Sinabi ng Philippine Astronomical Geophysical Atmospheric Services Authority (PAGASA), na ang inter-tropical convergence zone (ITCZ) ay naaapektuhan ang Southern Mindanao at ang  northeast monsoon naman ay naaapektuhan ang Luzon.

“Sa ngayon napakalayo ng LPA. Posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na araw, bandang Sunday or Monday,” pahayag ni PAGASA forecaster Bernie de Leon.

Gayunman, maliit lamang ang tiyansa ng LPA na maging isang ganap na tropical cyclone dahil sa malamig na panahon pero patuloy nila itong imo-monitor para sa mga senyales kung ito ay lalong lalakas.

Sa kanilang 5 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na ang Davao region, Caraga at Soccsksargen ay makararanas na maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan na maaring magdulot ng  flash floods at landslides.

Kaugnay nito, bigla namang bumaba ang temperatura sa Metro Manila, ayon pa sa ulat kaninang umaga rin ng state weather forecaster.

Sinabi ni PAGASA forecaster Bernie de Leon na ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ay naitala sa 21.7 degrees Celsius.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply