LPA, nakapasok na sa bansa

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang namumuong sama ng panahon ay nasa layong 910 kilometro silangan ng Mindanao.

Maliban dito, nakapaloob din ang LPA sa intertropical convergence zone (ITCZ) na magdadala ng mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Asahan naman ang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at Eastern at Northern Luzon dulot ng northeast monsoon o hanging amihan.

Samantala damang-dama ngayon sa lungsod ng Iligan ang epekto ng Low Pressure Area o LPA na patuloy ang makulimlim ang panahon.

Kaninang madaling araw ay nakaranas ng pag-ulan ang lungsod bunsod na rin sa nasabing LPA.

Batay sa ulat ng PAGASA, matatamaan ang bahagi ng Visayas at Mindanao ng LPA ngayong kapaskuhan kaya handang-handa na ang mga Iliganon nito maliban sa kanilang paghahanda sa noche Buena mamayang gabi para salubungin ang pasko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply