LRT 1, 2 may libreng sakay sa Rizal Day

LRT-2

MAGHAHANDOG ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Linggo, Disyembre 30 bilang handog sa ika-116 taong anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ayon kay LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, magsisimula ang libreng ng alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi sa kanilang Line 1 (Baclaran-Roosevelt) at Line 2 (Santolan-Recto).

Dagdag pa ni Cabrera, inaprubahan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang hirit ng National Historical Commission na pagkalooban ng libreng sakay ang publiko upang hindi sila mahirapang magbiyahe at lumahok sa mga aktibidad na inorganisa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila bilang paggunita sa kamatayan ng pambansang bayani.

Muling iginiit ni Cabrera na may mandato ang DOTC na mapagkalooban ng seguridad at kaligtasan ang mga mananakay sa kanilang pagbibiyahe kaya’t mahigpit nilang ipaiiral ang “No Inspection No Entry policy” sa lahat ng mga train station.

Sa Linggo, ay gugunitain din ang ika 12-taong anibersaryo ng Rizal Day bombing na naganap noong 2002 kung saan ilan katao ang nasawi at marami ang nasugatan nang maglagay ng pampasabog ang mga grupong terorista sa isa sa mga bagon ng LRT sa Blumentritt station sa Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply