LRTA nakaalerto sa ika-12 anibersaryo ng Rizal Day bombing

NAKAALERTO na ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) para sa paggunita sa ika-12 anibersaryo ng Rizal Day bombing sa Disyembre 30.

Sinabi ni LRT Administration spokesman Hernando Cabrera na patuloy pa rin nilang ipinatutupad ang “no inspection, no ride policy”.

Nanawagan ang pamunuan ng LRT na iwasan ang pagdadala ng anumang bagay na ipinagbabawal upang hindi na maabala sa pagsakay ng tren.

Kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal ay ang pagdadala ng deadly weapons tulad ng baril, industrial explosives, brass knuckles, kutsilyo at mga blasting caps.

Pinaalalahanan din ni Cabrera ang publiko na kung may dalang mga regalo, ay bubuksan ang mga ito para sa inspeksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply