Lumago kuno ang ekonomiya

raul_valino

EKONOMIYA lang ng mayayaman ang lumago, hindi ang sa mahihirap.

Dukha pa rin ang masa at lalo pang dudukha ang mga ito dahil sa patong-patong na
buwis na ipinapataw sa mahihirap.

Good example ang bisyo. Ang dagdag na buwis sa alak at sigarilyo ay para lamang sa mahihirap. Walang dagdag na buwis sa mga imported na sigarilyo na hinihithit ng mga mayayaman, at walang dagdag na buwis sa imported na alak na tinotoma ng mga mayayaman.

Lalago raw lalo ang ekonomiya na tinatayang aabot sa 6.3 percent sa kabuuan ng taon na ito. Marunong ba kayong sumukat ng percent? Malamang ay hindi lalo na kayong hindi halos nakapag-aral dahil sa bulok na sistema ng edukasyon dito sa atin.

Ang China raw ay 5.0 percent lang daw ang economic growth. At ang Amerika, bolabs na mapantayan ang economic growth ng China at Philippines. Walastik, nagkakalokohan na yata tayo.

Ang pera ng Tsina ay trilyon-trilyon. At ‘di hamak na mas maraming pera ang Amerika.

Tayo, mga pare at mare, ay isang kahig, isang tuka pa rin. Please naman, huwag ninyo kaming insultuhin.

Katulad ng pahayag ng Citibank group of companies. Si Minda Olonan, maaaring hindi ninyo siya kilala, ay head of Philippine equity research at Citi, short for Citibank. Group. Sabi niya, dahil sa tax reforms, sa mga bidding ng mga infrastructure projects ay lalong sisigla ang ating ekonomiya. Baka naman ekonomiya lang ninyo ang sumisigla.

Ang tax reforms ay higher taxes sa mahihirap, kayong hindi na halos makabayad ng kuryente.

At dumami raw ang public works bidding.

Walang sinabi si Minda, Pinay man siya o hindi, kung gaano ka-corrupt ang bidding process ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply