Lumubog na cargo vessel sa Batanes ‘di pa naiaahon

HINDI pa rin naiaahon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lumubog na cargo vessel sa Batanes nitong December 22, kung saan 17 tripulanteng dayuhang sakay nito ang nailigtas.

Ayon sa PCG, sakay ng MV Han Splendor ang 11 foreign nationals mula Myanmar at 6 na Koreano nang magkaaberya at lumubog sa Batan Island sa Batanes.

Nailigtas naman ang nasabing mga tripulante ngunit hindi pa rin naiaahon ang barko.

Nabatid na ang carego vessel ay galing sa Korea at may kargang fertilizer at nakatakda sanang dalhin sa Bacolod City nang maganap ang trahedya.

Sinabi naman ng coast guard na posible umanong hinampas ng malalaking alon ang barko kaya nagkaaberya at lumubog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply