Lumusot sa checkpoint na riding in tandem, 1 bulagta

bangkay

RIZAL – Walang buhay na bumulagta ang isa sa motorcycle ‘riding in tandem’ matapos na pagbabarilin ng mga pulis nang sapilitang lumusot sa inilatag na check point kagabi sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan ang Nasawi na si Ramil Rabi, 26 anyos, residente ng Blk.8, Lot 167, Eastwind Subdivision, Brgy. San Isidro ng nasabing bayan.

Nakatakas naman ang kasama ni Rabi na siya ring driver ng sinakyan nilang motorsiklo nang magsilbing panangga nito ang kasama sa mga punglo ng awtoridad.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa Zuniga Road, Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang Rodriguez PNP sa pamumuno ng  P/Insp. Mark Gil Garcia nang parahin ang paparating na motorsiklo na sinasakyan ng dalawang lalake.

Sa halip na huminto, nagtuloy-tuloy ang sasakyan at nagpaputok ang backrider na si Rabi dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na naging resulta sa kamatayan ng suspek.

Narekober ng pulisya ang isang Suzuki 125 na motorsiklo (PF-2734) sa di kalayuan na hinihinalang iniwan ng suspek at nagtago sa mga kasukalan.

Kasama ring narekober ang  isang smith and wesson na kalibre .38, 3 live bullets, 2 basyo, 6 na basyo ng kalibre 5.56, P200 cash money driver license, 3 sachet ng shabu, 3 aluminum foil, at isang black wallet.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply