Lungkot at Saya

LILIPAS na ang 2012 at sa loob ng 12 buwan ay may mga pighati at may masayang nangyari sa sports.

Nanlata ang mga Pinoy nang malasap ni eight division world champion Manny Pacquiao ang pagkatalo kay Timothy Bradley Jr. noong Hunyo at muling namighati nang patulugin si Boxing superstar ni Mexican boxer Juan Manuel Marquez nitong Disyembre.

Halos maiyak rin ang mga Filipino nang mabokya sa medal sa nakaraang Olympic Games na ginanap sa London.

Boxing – Subalit bago matapos ang taong 2012 ay napangiti at sumaya ang mga Pinoy dahil na knock-out din ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire si Jorge Arce ng Mexico noong Disyembre 16.

Basketball – Nagbigay din ng kasiyahan sa mga Filipino ang pagkakapanalo ng Smart Gilas 2.0 sa William Jones Cup nang talunin nila sa huling laro ang USA, 76-75.

Football – Nakapag-ingay din ang Philippine Football nang magkampeon ang Azkals sa Philippine Peace Cup nakaraang buwan.

Nagawa pa ng Pinoy Booters na maka third place finish sa Asian Football Confederation Cup.

Chess – Bagamat kinapos na makapasok sa top 10 ang Philippine Chess Team sa naganap na World Chess Olympiad ay napasaya rin naman ng mga Pinoy fans sa ipinakitang tikas ng mga woodpushers.

Kasalo ang Team Philippines sa second to 8th place matapos ang eight round subalit minalas ang huling tatlong rounds kaya lumanding sila sa 21st place.

Lahat ng miyembro ng Phl chess team ay umungos ang kanilang elo rating pagkatapos ng competition kaya naman ayon kay National Chess Federation of the Philippines executive director GM Jayson Gonzales ay pipilitin nila na mas umungos pa ang ratings ng mga Pinoy woodpushers sa darating na 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply