M14 rifles nasabat ng customs

M14

NASABAT ng operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang 20 barrels ng high-powered M14 military rifles na idineklarang naglalaman lamang ng mga tsokolate ngayong Biyernes.

Ang mga naturang bariles ng baril ay inilagay sa mga maliliit na karton at nadiskubre ng taga Customs sa Pasay City nang tanggalin ang takip nito.

Sa isang post sa Twitter account ni Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon, sinabi nito na ang mga bariles ay ipinuslit sa pamamagitan ng  postal service.

“M-14 rifles are high-powered military guns.”

Idineklara ang mga gun barrels na mga tsokolate na ipinadala sa pamamagitan ng koreo.

This shows need for us to be vigilant even in mailed parcels,” dagdag Pa ni Biazon.

Ayon sa report sa radio,  naghahanda na ang  Bureau of Customs  ng kaukulang kaso laban sa consignee na napaulat na taga Bulacan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply