Maangas na kelot, tinarakan ng kasamahan

knife-2

KAMATAYAN ang sinapit ng isang truck helper matapos itong saksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho na napikon sa kanyang pang-aasar kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO1 Charles Duran, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Danilo Mahinay, 47, pedicab driver, at taga 291-1 Kawit St. Rodriguez, Balut, Tondo, Maynila na nagtamo ng tatlong saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “tikboy” na sumakay ng tricycle .

Ang insidente ay naganap kaninang alas 6:00 ng umaga sa tinutulugan ng biktima sa garahe ng truck na matatagpuan sa panulukan ng Kawit at Buendia Sts. Tondo, Maynila.

Sa pahayag ng testigong sina Regie Damian,27; at Lorelyn Valencia, nakita na lang umano nila na binabato ng bato ng biktima ang suspek.

Nang mapikon ang suspek ay hinawakan nito ang leeg ng biktima bago sinaksak ng tatlong beses.

Ang biktima ay naisugod pa sa Tondo General Hospital ngunit namatay din habang ginagamot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply