Mag-asawang sangkot sa scam sa QC, sumuko sa Cebu

SUMUKO sa Cebu PNP ang isang mag-asawang sangkot sa multimillion-peso investment scam na ang karamihan sa kanilang mga biktima ay pawang mga titser sa Fairview, Quezon City.

Nahaharap ngayon sa kasong large-scale estafa sa Quezon City ang mag-asawang sina Danilo at Janet Gujilde, kapwa 47-anyos, kahit  wala pang ipinalalabas na arrest warrant sa  Metro Manila, ayon kay Chief Insp. George Ylanan, hepe ng  Regional Special Operation Group (RSOG), isang operating unit ng Police Regional Office 7’s Regional Intelligence Division.

Ang mag-asawa ay inakusahang nanloko sa mga teachers, parents at government employees sa Fairview, Quezon City, ng P400 million sa pamamagitan ng investment scam, pahayag ni Ylanan

Ayon sa mga biktima, hinikayat silang mag-invest sa Gujildes’ school supplies business kapalit ng monthly interest na 2 porsiyento, dagdag pa ni Ylanan.

Nagdesisyon si Janet, na kilala rin na Janet Bernades, na sumuko dahil na rin sa kanilang natatanggap na mga pagbabanta sa buhay.

Depensa nito, na sila man mag-asawa ay biktima ng scam ay inginuso ang isang Thelma Santos, residente ng Fairview, Quezon City, bilang mastermind.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply