Mag-utol kritikal sa nag-amok na lasing

emergency-2

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang magkapatid na lalaki matapos pagtatagain ng nagwalang lasing na kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi (Disyembre 26).

Inoobserbahan sa Commonwealth Hospital si Edelberto Espanillo, 46 dahil sa tinamong taga sa ulo at leeg. Taga sa dibdib naman ang inabot ni Enrique Espanillo, nasa hustong. Ang dalawa ay kapwa residente ng Saint Bernadette St., Camarin ng lungsod.

Nadakip naman si Marcelo Ramos, 44 at kalugar ng mga biktima.

Base sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, nagwawala sa nasabing lugar ang suspek na lango sa alak. Inawat naman ito ni Edelberto.

Nang maawat ay umuwi ang suspek subalit makalipas ang ilang sandali ay may dala na itong jungle bolo at walang salitang pinagtataga si Edelberto.

Sumaklolo naman si Enrique sa kapatid subalit sinalubong din siya ng taga ng suspek.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis suspek habang isinugod sa nasabing pagamutan ang mag-utol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply